Wednesday, January 10, 2001

Sa Puso'y Mananatili

Sa Puso'y Mananatili
(TG series XII)


Hindi ang kalawakan ang magiging hadlang
Maging ang malawak na lupain at karagatan
Upang pagbukluring muli ang aming barkadahan
Kahit sa isa’t- isa ay may kalayuan.

Noo’y sulat at telepono ang tanging komunikasyon
Ngayo’y may internet basta't ikaw ay mag log-on
Isang click lang email makakarating agad doon
Salamat ng marami sa teknolohiyang US at Hapon.

Kita nyo naman ngayo’y may web site na
Ang Thursday group na marami ng ala-ala
Pinagpaguran ni Grace kahit pa abala
At marami pa ang dito’y nakipartisipa.

T-G.50megs.com kung nalimutan mo
May information dito kahit ‘di pa kumpleto
Kasama rin dito ilang mga tula ko
Higit sa lahat ang mga litrato nyo.

Thursday group hindi hanggang email na lang
Muli, amin na namang napatunayan
January nagkareunion na naman
Tatlong okasyon noong 2001.

Alas singko ng hapon nagkita kita tayo
Sa likod ng SM doon sa may Mc do.
Pero teka , hindi ba nakakapanibago?
Sa Jollibee lamang nasanay ang grupo.

January 2 iyon kung gustong maalala
Pagkatapos ay sa “Friends” tumuloy ang barkada
Hinintay ang iba dahil may pasok pa
Umalis kami doon mga alas otso na.

Present noo’y ako at si Odette na aking asawa
Mag partners na Doris at William, Jong at Rowena
Mga singles' na sina Dan at Teddy , Percy at Anita
Kasama rin si Kydz,  at si Mac na nag iisa.

Wala si Larry at Enoi at buong pamilya
Si Grace at Jane kasaluyang nasa Canada
Masaya rin kahit may kulang pa
Pero alam naming inggit na inggit sila.

Kami ay tumuloy sa Robinson’s Manila
Ginawa dito’y kumain muna
Pagkatapos kami ay nag Ratsky pa
Umuwi kami alas tres na ng umaga.

January 6 ay birthday party naman
Ng inaanak nyo when she turns one
Bagamat sandali ang aming kasiyahan
Hayaan na natin pambata naman kasi iyan

January 10 naman ang kasal ni Cez at Mac
Masaya ito kahit may konting comedy act
Abay kasi ang dalawa nilang anak
Na ang ibig aya laging pakarga kay Mac.

Tulad ng mga kasalang aming nasaksihan
Aming grupo ang huling umalis na naman
Sa harap ng Max's tuloy pa rin ang kwentuhan
Maya-maya lamang kami ay nasa sasakyan.


Kami ni William sa Makati nagpunta
Mga partners namin ang aming kasama
Ang mga single’s nag si- gimik pa
Sa Mega Mall sila’y magkakasama.

O ngayon anong inyong masasabi
Tatlong okasyon in just eight  days ay nangyari
Kahit malayo, sa puso ay mananatili
Mag iiwan ng ngiti sa aming mga labi.


Based on event
As it happen

Jan. 2 – 10, 2001

No comments:

Post a Comment