Wednesday, August 30, 2000

Isang pagbabalik tanaw sa kahapon"

Thursday Group
on 10th Year Anniversary
Isang pagbabalik tanaw sa kahapon"
(TG series XI)



Thursday Group sampung taon na
Parang kailan lang kung inyong maaalala;
Biruan ang lahat noong simula pa
Kaya’t marami ang sa ati’y pumula.

Buwan ng Agosto kung matatandaan
Kahit sa gitna ng ating kaabalahan;
Sa pag-aaral na kinakailangan
Araw ng huwebes nasa pasyalan.

Ang Baguio trip na makasaysayan
Sa grupong ating kinabibilangan
Kahalagahan dito napatunayan
Sto. Tomas mountain tanging saksi lamang.

Maraming pangyayari ang makakapagpapa-alala
Panonood ng sine isang halimbawa;
Total Recall, Die Hard, Home Alone idagdag pa
Hindi ba’t noong minsa’y SM nilakad pa?

Sa mga awitin mayroon ding kabilang
Christmas in our Hearts ni Jose Mari Chan;
Saan na nga ba ang barkada? ng APO naman
Kay sarap balikan ng mga nakaraan.

Ang pagmemeryenda pagkatapos ng klase
Sa may popoye o kaya’y pag-istambay sa kalye;
O minsa’y sa Fernandoz o kaya’y Jollibee
At Mc Donalds noong Valentines day.

Sa mga birthday-an na ating pinagsaluhan
Kay Percy naganap ang exclusive lamang;
Ang blow-out ni Grace sa may eskwelahan
At si Larry dela Cruz sa Novaliches naman.

Graduation day ay isang pagsubok
Puso nati’y tumigil sa pagtibok;
Bagamat narating ang rurok ng tagumpay
Nakalulungkot ang paghihiwa-hiwalay.

Ang blow-out ni Wheng sa graduation niya
Birthday ni Kydz at outing na kontrobersyal pa;
Sa review center nagkikita-kita
Maging noong araw ng examination na.

Ang graduation ng mga Octoberian
Nagkita-kita at ‘di nag-uwian;
Ang birthday ni Mac na naging biglaan
At ang araw ng aking paglisan.

Nagbalik ako’t nagkasamang muli
Naging masaya bagamat sandali;
Ang sagradong kasal ni Enoi at Larry
At birthday ni William ‘di pahuhuli.

Tatlong mahahabang taon ang kay tuling nagdaan
Kung iisipin may katagalan na rin naman;
Sinong mag-aakalang nandiyan pa rin ang barkadahan
Pinatibay ng panahon aming samahan.

Taong 1997 sa trabaho’y nagpahinga
Unang ginawa nakipagkita sa iba;
Taong ding ito sa birthday ni William
Pumunta kami kahit magilan-ngilan.

At taong 1998 ako’y nagpakasal
Ang ilan sa kanila’y kinuha ko pang abay;
Dangan nga lang ang iba’y ‘di nasilay
Noong araw na iyon importante sa buhay.

Sa kahilingan ni Mac sa SM ay magkita
Sinulit ang gabi sa kakanta;
Ang kasal nila Grace noong December 20.
Hindi pa ito ang pinakahuli.

Isang biglang pagkikita sumunod na kabanata.
Isang reunion sa may Sta. Mesa;
Mas masaya, kung lahat nandoon sana
Kasama na rin namin aming mga pamilya.

Kasayahan ngayong 2000 ay patuloy pa
Isa na rito ay ang birthday ni Rowena;
Binyagan sa amin, muli nagkita-kita
Ano kaya dito ang susunod pa?

Ngayong nakaraan akin nang naisaad
Gusto bang makilala mga nagsiganap?
Eto na sila’t huwag kukurap
Mula sa puso maraming salamat.

Sina Grace at Daniel unang dalawa
Mac at Arlene, Teddy at Anita
Enoi at Larry, William at Rowena;
Dick at Percy huwag kalimutang isama.

Hanggang kailan? Hinuhusgahan
Ang pagsasamahan ng barkadahan;
Kahit bihira ang pagkikita lamang
Sana’y ‘di magbago ang aming samahan.


Written August 2000

Based on event as it happen

No comments:

Post a Comment