Friday, August 30, 2002

It’s Thursday Group 12th year anniversary





Alamin ang latest………
Isang Pasabog! Game ka na ba?
(TG Series XIV)
For 12th years anniversary


Labing dalawang taon ang nakakaraan
Ng unang mabuo ang ating barkadahan
Kahit pa tayo ay may kaabalahan
Hindi pa rin naman nakakalimutan


Sa mga huling siping na aking isinulat
Nakaraang sampung taon aking nailahad
Kasunod nito’y maikli ngunit matingkad
Naaalala nyo sana ang lahat ng naganap.

Huwag na muna tayong bumalik sa nakaraan
Ngunit kung ibig nyo’y inyo lamang buksan
Sa huling bahagi ng aking aklat
Kung walang sipi sa internet ikaw ay mag log.

Sa tulang ito aking isasalaysay
Mga pangyayari sa kasalukuyang buhay
Nangyayari pa lamang o kaya ay magaganap
Inuuna ko na ang aking pasasalamat.



Unahin natin ang mga singles pa rin
Tingnan natin kung tayo ay may aalamin
O maaaring sila’y ating mapapaamin
Kayat pagbabasa ay ituloy na natin



Sky cable pa rin siya ay nagtatrabaho
Maaring ito’y sa inyo ay ‘di na bago
Mansion ang pinagawa sa kinita dito
Pwede na sa kanila ay magbakasyon tayo.

Pag-uwi ng Bulacan Schoolarship Foundation ang tungo
Lovelife ay isinantabi dahil dito
Masaya si teddy na magpaaral ng ibang tao
Kaya’t mga donor’s magpadala na kayo.

Natapos na rin teaching course niya
Bago mag work siya’y mag bo – board muna
Pag – aalaga ng pamangkin diyan abala
At siyempre ‘di maiaalis ang pag lalakwatsa.

Iyan si Kydz until now ay dalaga
Bakit nga ba hanggang ngayon ay wala kang papa?
Sus ginoo….!… nakalimutan ko nga pala
Sa crush ng bayan isa siya sa nakapila.

Hanggang ngayo’y single pa rin naman
Sariling business ang pinagkakaabalahan
Siya ang amo minsan ay tauhan
Maaring ito ang unang dahilan.

Kung ibig makipagkita pa schedule ka muna
Iyan si Percy sa shooting ay abala
Kay Rico Yan siya daw ang ipinalit na
Isang Claudine sana ang iyong makita?


Sa Canada nagpunta itong si Anita
Nuong minsa’y sa Taiwan ay galing din siya
Pero teka totoo ba ang nababalita
Na ikaw daw ay may boyfriend na?

Kung may katotohanan man ito
Ang crush ng bayan ngayon ay paano?
Wala ba talagang namagitan sa inyo
Kung maari sa e-mail ay sagutin mo.



Isunod naman natin ang mga may asawa
Paglagay sa tahimik ay mahirap na masaya
May mga suyuan at tampuhan pa
At higit sa lahat ang kalabitan sa kama.



Naninirahan sa US si Larry at pamilya
Sa piling ni Enoi butihing asawa
Matagal na rin silang wala dito sa bansa
Pagbabakasyon nyo’y dumalas naman sana.

Si Zeki ay magdadalawang taon na
Habang anim naman itong si Lara.
Supling nila ngayon ay dalawa na
Ewan ko nga lamang kung mayroon pa sa iba?

Sa Canada rin siya ay napadpad
College pa lamang kanya na itong hangad
Ngayo’y buhay niya doon pinauunlad
Sa bagong tahanan sila’y kalilipat

Siya ang author ng TG web site
Wish namin sila’y magkaroon na ng anak
Ang pananahimik ba’y iyan ang hudyat
Kay Grace at Jane ang aming goodluck

Sila rin supling ay dalawa na
Pangalan nila ay Keneth at Kayla
Isang apat at ang isa ay lima
Makukulit daw, gaya din ba ng ama?

Ang pagtuturo kanilang pinagkakaabalahan
Sa PNG kasalukuyang naninirahan
Mac ano nga ba ang latest dyan?
Kay Cez, sana ay magbalita ka naman.

Sa akin naman ay wala namang bago
Masaya ako sa piling ng anak ko
Kay Caitlin Dayne na inaanak nyo
Paalala lamang … malapit na ang pasko.

Ofcourse naman kilala nyo ang partner ko
Si Claudette po iyon kung forget nyo
‘wag ng mag isip walang iba ako
Sige… baka pagdudahan ko rin kayo.



Ito naman ay ang may mga partners na
Kayo ba ay may balak ng mag asawa?
Mga anak namin iaabay nyo sana
Alalahanin lamang kayo ay ‘di na bumabata

Oras niya ay trabaho ang pinagkakaabalahan
Kaibiga’t pamilta ‘di nalilimutan
Kahit si jong na kanyang kasintahan
Kailan kaya magaganap ang kasalan?

Sa Thailand siya ngayo’y nakikibaka
Ngunit iba’t-ibang bansa’y narating na
Ang US kanya ring puntirya
Kaibigang Rowena maari bang sumama

Walang nakababatid ng siya ay umalis
Malihim kasi itong boyfriend ni Doris
Two weeks na ng aming matsismis
Sa Canada rin siya ay tumalilis

Ngayon siya ay nakapag adjust na
Sa bagong buhay na tinatahak niya
Sana William ikaw ay masaya
At pag-aasawa’y sa schedule ay isama

Sa PLDT pa rin ang office niya
Sa trabaho’y abala at ministry pa
Idagdag rin ang personal na buhay niya
Sabi ni Dan sa huling text message niya

Sa huling lakad naming lima
Paglagay sa tahimik may pahiwatig na
Si Rose kasalukuyang girlfriend niya
Alamin nyo na lang kung sa January ay invited ka?



Kung sa mga kasagutan kayo ay bitin
Hintayin natin kanilang sasabihin
Kung ayaw naman huwag nating pilitin
Baka after twelve years malaman din natin.

Sa ilang linyang may konting intriga
‘wag sanang magalit akin lamag pinasaya
Pero ang crush ng bayan kilala nyo ba?
Magtanong na lamang kay Kydz o kay Anita.

Patuloy pa rin akong susubaybay
Sa mga pangyayari sa ating buha
Sana kayo ay laging nakaalalay

At sa akin ay magbibigay gabay.

Tuesday, July 2, 2002

Kailan ang Grand Reunion?

Kailan ang Grand Reunion?
(TG series XIII)



Pagkatapos ng kasalan ‘di pa pala tapos
Birthday ni Percy ang aming idinaos
As usual megamal pa rin ang reception
Ten years ago ang huli niyang imbitasyon

Mayo naman si Anita ay nag imbita
Despedida niya papuntang Canada
Sa Makati raw kami ay magkita kita
At sana daw kami ay pumunta.

Naatasan akong tawagan ang iba
Isang balita sa akin ay gumitla
Si William Esperanza ay nakaalis na pala
Two weeks ago, papunta ring Canada.

June 7 din nuong 2001
Si Dan naman ang aming pinaunlakan.
Bagamat kami ay lilima na lang
Kulang pa rin dahil si percy ay may karamdaman.

Ngayong 2002 ako naman ang nag- imbita
Birthday ko at para na rin magkita kita
Kumain kami at nag bowling pa
Salamat naman kaming lima ay kumpleto na

Abril naman si Kydz ay nag treat din
Isang okasyon para sa birthday din
Kwentuhan lang habang kumkain
Kahit paano’y siya’y masaya rin.

At nitong Hulyo aming binigla
Si Teddy nang kami ay magpunta
Sa Hagonoy Bulacan kahit ginabi na
Si Kydz at Percy ang aking kasama.


Kami dito text messaging ang komunikasyon
Para sa malayo email ang solusyon
Keep in touch na lang muna lahat sa ngayon
Kailan kaya ulit ang ating grand reunion?

Based on event
As it happen

Jan. 2001 – Jul. 2002