Alamin ang
latest………
Isang Pasabog!
Game ka na ba?
(TG Series XIV)
For 12th
years anniversary
Labing dalawang
taon ang nakakaraan
Ng unang mabuo ang
ating barkadahan
Kahit pa tayo ay
may kaabalahan
Hindi pa rin naman
nakakalimutan
Sa mga huling
siping na aking isinulat
Nakaraang sampung
taon aking nailahad
Kasunod nito’y
maikli ngunit matingkad
Naaalala nyo sana
ang lahat ng naganap.
Huwag na muna
tayong bumalik sa nakaraan
Ngunit kung ibig
nyo’y inyo lamang buksan
Sa huling bahagi ng
aking aklat
Kung walang sipi sa
internet ikaw ay mag log.
Sa tulang ito aking
isasalaysay
Mga pangyayari sa
kasalukuyang buhay
Nangyayari pa
lamang o kaya ay magaganap
Inuuna ko na ang
aking pasasalamat.
Unahin natin ang
mga singles pa rin
Tingnan natin kung
tayo ay may aalamin
O maaaring sila’y
ating mapapaamin
Kayat pagbabasa ay
ituloy na natin
Sky cable pa rin
siya ay nagtatrabaho
Maaring ito’y sa
inyo ay ‘di na bago
Mansion ang
pinagawa sa kinita dito
Pwede na sa kanila
ay magbakasyon tayo.
Pag-uwi ng Bulacan
Schoolarship Foundation ang tungo
Lovelife ay
isinantabi dahil dito
Masaya si teddy na
magpaaral ng ibang tao
Kaya’t mga donor’s
magpadala na kayo.
Natapos na rin
teaching course niya
Bago mag work
siya’y mag bo – board muna
Pag – aalaga ng
pamangkin diyan abala
At siyempre ‘di
maiaalis ang pag lalakwatsa.
Iyan si Kydz until
now ay dalaga
Bakit nga ba
hanggang ngayon ay wala kang papa?
Sus ginoo….!…
nakalimutan ko nga pala
Sa crush ng bayan
isa siya sa nakapila.
Hanggang ngayo’y
single pa rin naman
Sariling business
ang pinagkakaabalahan
Siya ang amo minsan
ay tauhan
Maaring ito ang
unang dahilan.
Kung ibig
makipagkita pa schedule ka muna
Iyan si Percy sa
shooting ay abala
Kay Rico Yan siya
daw ang ipinalit na
Isang Claudine sana
ang iyong makita?
Sa Canada nagpunta
itong si Anita
Nuong minsa’y sa
Taiwan ay galing din siya
Pero teka totoo ba
ang nababalita
Na ikaw daw ay may
boyfriend na?
Kung may
katotohanan man ito
Ang crush ng bayan
ngayon ay paano?
Wala ba talagang
namagitan sa inyo
Kung maari sa
e-mail ay sagutin mo.
Isunod naman natin
ang mga may asawa
Paglagay sa tahimik
ay mahirap na masaya
May mga suyuan at tampuhan
pa
At higit sa lahat
ang kalabitan sa kama.
Naninirahan sa US
si Larry at pamilya
Sa piling ni Enoi
butihing asawa
Matagal na rin
silang wala dito sa bansa
Pagbabakasyon nyo’y
dumalas naman sana.
Si Zeki ay
magdadalawang taon na
Habang anim naman
itong si Lara.
Supling nila ngayon
ay dalawa na
Ewan ko nga lamang
kung mayroon pa sa iba?
Sa Canada rin siya
ay napadpad
College pa lamang
kanya na itong hangad
Ngayo’y buhay niya
doon pinauunlad
Sa bagong tahanan
sila’y kalilipat
Siya ang author ng
TG web site
Wish namin sila’y
magkaroon na ng anak
Ang pananahimik
ba’y iyan ang hudyat
Kay Grace at Jane
ang aming goodluck
Sila rin supling ay
dalawa na
Pangalan nila ay
Keneth at Kayla
Isang apat at ang
isa ay lima
Makukulit daw, gaya
din ba ng ama?
Ang pagtuturo
kanilang pinagkakaabalahan
Sa PNG kasalukuyang
naninirahan
Mac ano nga ba ang
latest dyan?
Kay Cez, sana ay
magbalita ka naman.
Sa akin naman ay
wala namang bago
Masaya ako sa
piling ng anak ko
Kay Caitlin Dayne
na inaanak nyo
Paalala lamang …
malapit na ang pasko.
Ofcourse naman
kilala nyo ang partner ko
Si Claudette po
iyon kung forget nyo
‘wag ng mag isip
walang iba ako
Sige… baka
pagdudahan ko rin kayo.
Ito naman ay ang
may mga partners na
Kayo ba ay may
balak ng mag asawa?
Mga anak namin
iaabay nyo sana
Alalahanin lamang
kayo ay ‘di na bumabata
Oras niya ay
trabaho ang pinagkakaabalahan
Kaibiga’t pamilta
‘di nalilimutan
Kahit si jong na
kanyang kasintahan
Kailan kaya
magaganap ang kasalan?
Sa Thailand siya
ngayo’y nakikibaka
Ngunit iba’t-ibang
bansa’y narating na
Ang US kanya ring
puntirya
Kaibigang Rowena
maari bang sumama
Walang nakababatid
ng siya ay umalis
Malihim kasi itong
boyfriend ni Doris
Two weeks na ng
aming matsismis
Sa Canada rin siya
ay tumalilis
Ngayon siya ay
nakapag adjust na
Sa bagong buhay na
tinatahak niya
Sana William ikaw
ay masaya
At pag-aasawa’y sa
schedule ay isama
Sa PLDT pa rin ang
office niya
Sa trabaho’y abala
at ministry pa
Idagdag rin ang
personal na buhay niya
Sabi ni Dan sa
huling text message niya
Sa huling lakad
naming lima
Paglagay sa tahimik
may pahiwatig na
Si Rose
kasalukuyang girlfriend niya
Alamin nyo na lang
kung sa January ay invited ka?
Kung sa mga
kasagutan kayo ay bitin
Hintayin natin
kanilang sasabihin
Kung ayaw naman
huwag nating pilitin
Baka after twelve
years malaman din natin.
Sa ilang linyang
may konting intriga
‘wag sanang magalit
akin lamag pinasaya
Pero ang crush ng
bayan kilala nyo ba?
Magtanong na lamang
kay Kydz o kay Anita.
Patuloy pa rin
akong susubaybay
Sa mga pangyayari
sa ating buha
Sana kayo ay laging
nakaalalay
At sa akin ay
magbibigay gabay.
No comments:
Post a Comment