Sa Puso'y
Mananatili
(TG series XII)
Hindi ang kalawakan
ang magiging hadlang
Maging ang malawak
na lupain at karagatan
Upang pagbukluring
muli ang aming barkadahan
Kahit sa isa’t- isa
ay may kalayuan.
Noo’y sulat at
telepono ang tanging komunikasyon
Ngayo’y may
internet basta't ikaw ay mag log-on
Isang click lang
email makakarating agad doon
Salamat ng marami
sa teknolohiyang US at Hapon.
Kita nyo naman
ngayo’y may web site na
Ang Thursday group
na marami ng ala-ala
Pinagpaguran ni
Grace kahit pa abala
At marami pa ang
dito’y nakipartisipa.
T-G.50megs.com kung
nalimutan mo
May information
dito kahit ‘di pa kumpleto
Kasama rin dito
ilang mga tula ko
Higit sa lahat ang
mga litrato nyo.
Thursday group
hindi hanggang email na lang
Muli, amin na namang
napatunayan
January
nagkareunion na naman
Tatlong okasyon
noong 2001.
Alas singko ng
hapon nagkita kita tayo
Sa likod ng SM doon
sa may Mc do.
Pero teka , hindi
ba nakakapanibago?
Sa Jollibee lamang
nasanay ang grupo.
January 2 iyon kung
gustong maalala
Pagkatapos ay sa
“Friends” tumuloy ang barkada
Hinintay ang iba
dahil may pasok pa
Umalis kami doon
mga alas otso na.
Present noo’y ako
at si Odette na aking asawa
Mag partners na
Doris at William, Jong at Rowena
Mga singles' na
sina Dan at Teddy , Percy at Anita
Kasama rin si
Kydz, at si Mac na nag iisa.
Wala si Larry at
Enoi at buong pamilya
Si Grace at Jane
kasaluyang nasa Canada
Masaya rin kahit
may kulang pa
Pero alam naming
inggit na inggit sila.
Kami ay tumuloy sa
Robinson’s Manila
Ginawa dito’y
kumain muna
Pagkatapos kami ay
nag Ratsky pa
Umuwi kami alas
tres na ng umaga.
January 6 ay
birthday party naman
Ng inaanak nyo when
she turns one
Bagamat sandali ang
aming kasiyahan
Hayaan na natin
pambata naman kasi iyan
January 10 naman
ang kasal ni Cez at Mac
Masaya ito kahit
may konting comedy act
Abay kasi ang
dalawa nilang anak
Na ang ibig aya
laging pakarga kay Mac.
Tulad ng mga
kasalang aming nasaksihan
Aming grupo ang
huling umalis na naman
Sa harap ng Max's
tuloy pa rin ang kwentuhan
Maya-maya lamang
kami ay nasa sasakyan.
Kami ni William sa
Makati nagpunta
Mga partners namin
ang aming kasama
Ang mga single’s
nag si- gimik pa
Sa Mega Mall sila’y
magkakasama.
O ngayon anong
inyong masasabi
Tatlong okasyon in
just eight days ay nangyari
Kahit malayo, sa
puso ay mananatili
Mag iiwan ng ngiti
sa aming mga labi.
Based on event
As it happen
Jan. 2 – 10, 2001