Friday, December 21, 1990

Thursday Group


 

Ibat – ibang, nagkatagpo – tagpo
Magkaiba man ng ugali’y nagkasundo – sundo;
Noong una ay parang malabo
Nang malauna’y unti – unti ring nabuo.


Araw ng huwebes tuwing may lakad sila
Kayat “Thursday Group” taguri sa kanila;
Masayang grupo parang walang problema
Hindi lang pansin dahil laging magkakasama.


Hindi alam kung paano nagsimula
Nabuo na lang ng biglang bigla;
Isang grupo na ngayon ay pinupuna
Hindi ko alam kung ingit lang sila.


Isang tagpo ang lalung nagpatindi
Sa Baguio City ito ay nagyari;
Napatunayan sa kanilang sarili
Na sama – sama sila anuman ang mangyari

Thursday, December 20, 1990

Best Friend


Thank you for always being there
Especially when no one really cares;
Someone to talk, someone to share
Because a friend like you is very rare.


Sometimes we cannot understand each other
For particular reason very hard to explain;
But that’s part of deep relationships
To have a lasting friendship.


When I’m alone and I’m scared
Really, needing someone’s help;
Giving your hand and shoulder to lean on
To comfort me in all my sorrows.


May our friendship be forever
Because I know you’re really great;
Being with you is very different
You’re the best friend that I have.

Thursday, August 30, 1990

The Beginning

August 30, 1990 .... the name started when Mac all of a sudden says...... May meeting daw ang Thursday Group sabi ni Kuya Germs.... At start everybody laughs at it.... and the rest is history

Wednesday, June 20, 1990

Nagkahiyaan




“Matagal na kaming magkakilala
Mahal namin ang isa’t-isa
Subalit hindi namin maipadama
Dahil nagkakahiyaan pala”.

“December 6 noon ng ligawan niya
Tatlong araw pa lang ay sinagot na;
Hindi na kasi mapigilan pa
Baka ibaling pa niya sa iba”.

Magdadalawang taon na kanilang pagsasama
Marami na ring naging pagtatalo sila;
Minsan nga ay nasasaksihan ko pa
At ako rin ay apektado na.

Habang nagtatagal  kanilang pagsasama
Feel ko ay sila na ngang talaga;
Na hinding-hindi ko nakita sa iba
At sana nga ay magtagal sila.

Written for
Larry & Enoi
June 20, 1990

Friday, June 15, 1990

Importante




Aries simbolo ng iyong kapanganakan
Na sinansabi ng karamihan,
Mga taong mahihirap pakisamahan
Subalit ibang iba sa aking pagkaka-alam.

Kahit ikaw ay may kadaldalan
Ngunit napakabait mo rin naman,
Higit sa lahat  maraming kaibigan
Kaya mahal na mahal ninoman.

Pagtili mo ay hindi maiwasan
Nagugulat tuloy ang mga nagdadan,
Para ka tuloy naipitan
Pero kami ay enjoy naman.

Sa tuwing tayo ay magkikita
Ikaw ay nagpapaimportansya,
Hindi ka naman artista
Alam koy mukha kang karatista.

Kahit ako ay natutulig
Sa tuwing ikaw ay tumitili,
Hindi naman ako mapakali
Kung ikaw ay wala sa aking tabi.


Kahit saan tayo ay makarating
Kasama na kitang palagi,
Kahit hanggang sa Makati
Sapagkat ikaw ay importante.

Written for
Arlene “Kydz” Quidric
June 15, 1990

Hindi mo Makakalimutan




Alam ng marami kung ikaw ay padating
Sa dahilang nayayanig ang buong building;
Parang lindol na intensity seven
Lalung-lalo na kung hinahabol mo ang tren.

Ikaw man ay may kabigatan
Subalit kinagigiliwan ng karamihan,
Ito’y dahil sa iyong kabaitan
Nilamang mo sa kababaihan.

Hindi man kita madalas kasama
Ngunit ikaw ay akin ng kilala,
Dahil sa ating mga lakwatsa
Panonood ng sine at pagmemeryenda.

Pagdating sa kainan hindi mauunahan
Dahil akala mo ikaw ay mauubusan,
Kaya naman nakikita sa iyong katawan
Pigura mo na may kalusugan.

Kahit ano pa ang iyong kaanyuan
Itinuring kitang tunay na kaibigan,
Na hinding-hindi makakalimutan
Kahit matapos pa ang walang hanggan.

Written for
Rowena Bulanhagui
June 15, 1990

Wednesday, June 13, 1990

Makakaasa Ka




Sa pagbibiro ko, ito ay nagsimula
Pagiging close natin sa isa’t-isa;
Mula kay “atis” hanggang kay alam mo na
Na hindi ko nakita na naasar ka.

Noon ko pa gustong mapalapit sa iyo
Subalit nangangamba lamang ako,
Dahil naaalala ko mga naging kaibigan ko
Kinalimutan at iniwan na lang ako.

Sana’y bigyan mo ako ng isang pagkakataon
Maging close sa iyo at maging magkaibigan;
Huwag kang mag-alala at hindi masasaktan
Dahil para kang nasa magandang sandigan.

Pagkakaibigan natin magiging maganda
Dahil okey ka namang makisama;
Kung ako ang iyong inaalala
Tandaan mo lamang makakaasa ka.

Written for
William Esperanza
June 13, 1990

Kaibigan . . . Kayamanan




Apat na taon ang nagdaan na
Ngunit kahit isa walang maalala;
Bagay na ating pinagtalunan
Alam nating minsa’y nagkaka-inisan.

Tinuring kitang tunay na kaibigan
At alam kong sa akin ay ganoon man.
Kahit sa kopyahan ‘di mo pinabayaan
Ngunit ito ay alam mong kasalanan.

Kahit kung minsan ay nagkakaiwanan
Dahil kailangan naman ito paminsan-minsan;
Alam kong tayo ay nagkakaintindihan
Dahil alam mo namang kinakailangan.

Ito  lamang ang iyong pakatandaan
At ilagay sa puso mo at isipan,
Hinding hindi kita makakalimutan
Dahil ikaw ay aking kayamanan.

Written for
Teddy Estrella
June 13, 1990