Wednesday, June 13, 1990

Kaibigan . . . Kayamanan




Apat na taon ang nagdaan na
Ngunit kahit isa walang maalala;
Bagay na ating pinagtalunan
Alam nating minsa’y nagkaka-inisan.

Tinuring kitang tunay na kaibigan
At alam kong sa akin ay ganoon man.
Kahit sa kopyahan ‘di mo pinabayaan
Ngunit ito ay alam mong kasalanan.

Kahit kung minsan ay nagkakaiwanan
Dahil kailangan naman ito paminsan-minsan;
Alam kong tayo ay nagkakaintindihan
Dahil alam mo namang kinakailangan.

Ito  lamang ang iyong pakatandaan
At ilagay sa puso mo at isipan,
Hinding hindi kita makakalimutan
Dahil ikaw ay aking kayamanan.

Written for
Teddy Estrella
June 13, 1990

No comments:

Post a Comment